• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, all set to attend international film festival in Italy
Anne Curtis, all set to attend international film festival in Italy
Anne's movie "The Gifted" is an entry to the 2015 Far East Film Festival
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

4/14/2015 8:33 PM
Anne Curtis, all set to attend international film festival in Italy


041415-anne_main.jpgKatatanggap lang ni Anne Curtis ng good news ng makausap natin, ang pelikulang The Gifted na ipinalabas dito sa atin last year ang siyang isa sa dalawang pelikula na magiging entry ng Pilipinas sa 2015 Far East Film Festival na magaganap sa Udine, Italy.

Hindi maitago ang ngiti sa mukha ni Anne sa blessing na ito.

"I'm actually flying at the end of this month with direk Chris Martinez kasi yung movie namin na the gifted is going to represent the Philippines at the Far East Film Festival in Italy"

Kasama ni Anne sa Italy ang The Gifted director na si Chris Martinez. Nai share din ni Direk Chris na noong 2013 nag third place na rin sa same film festival ang pelikula niyang Here Comes The Bride na bida naman sina Angelica Panganiban at Eugene Domingo.

At ngayong taon sana ay maulit ang kanilang suwerte.

"We feel very lucky and fortunate about it kasi sa dami ng mga pelikula na ipinalabas last year kami ang napili"

Hindi makakalimutan ni Anne ang experience na ito dahil first time niyang maimbitahan sa isang international film festival. Mag aabala daw talaga siya sa kanyang look sa red carpet.

"Its my first time! First time ko pa lang mapasali sa isang international film festival kaya sobra ako excited sa April 22 na ang alis namin"

Ang The Gifted ay story ng dalawang genius na magkaibigan na nasubukan ng magkagusto sila sa iisang lalaki. Kasama ni Anne sa pelikula sina Cristine Reyes at Sam Milby.

Kuwento ni Direk Chris na magugulat ang kanilang audience sa Italy dahil ibang iba ang itsura ni Anne sa pelikula

"Magugulat ang mga tao doon na makakapanood dahil makikita nila si Anne as herself pero sa pelikula mapapanood nila si Anne na mataba so yun ang exciting doon and I think Anne is also very excited"

Makakasama ng The Gifted ang pelikulang Hari ng Tondo ni Direk Carlos Siguion Reyna na pinagbibidahan naman ng veteran actor na si Robert Arevalo.

Magsisimula ang Far East International Fibrydlm Festival sa April 23.